Liderato ng Senado, “hands off” sa isyu ng impeachment laban kay VP Sara Duterte

“Hands off” o ayaw magkomento ni Senate President Francis Escudero tungkol sa umano’y lumulutang na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Pangulong Bongbong Marcos, na nag-text siya sa mga mambabatas na huwag nang ituloy ang impeachment laban kay VP Sara.

Ayon kay Escudero, ayaw niya na magkomento sa impeachment laban kay Duterte dahil ang Senado ang naatasan na dinggin ang lahat ng impeachment cases.


Muli namang hinimok ni Escudero ang kanyang mga kasamahan na huwag nang magkomento pa hinggil sa isyu ng impeachment.

Matatandaang may niluluto umano ngayon ang ilang mambabatas sa Kamara na impeachment complaint laban kay Duterte dahil sa umano’y betrayal of public trust, bribery at iba pang matataas na krimen tulad ng plunder na target ihain bago matapos ang taon.

Facebook Comments