Liderato ng Senado, hihiling ng paglilinaw ukol sa planong re-investigation sa Mamasapano Massacre

Manila, Philippines – Plano ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na linawin kay Senator Richard Gordon ang balak nitong muling imbestigahan ang Mamasapano Massacre.

Ang hakbang ni Senator Pimentel ay makaraang sabihin ni Senator Gordon bilang chairman ng Committee on Justice and Human Rights na muling magsagawa ng pagdinig sa pagkamatay ng SAF 44 dahil sa Mamasapano Encounter.

Paliwanag ni Senator Pimentel, aalamin nya kay Senator Gordon ang anggulo na tututukan nito sa reinvestigation.


Kung sakali anya ito na ang magiging ikatlong pag-iimbestiga ng Senado sa Mamasapano encounter na naganap noong January 2015.

Magugunitang pinabuksan din noon ni dating Senador Juan Ponce Enrile ang pagdinig sa nabanggit na usapin kay dating Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senator Grace Poe.

Facebook Comments