Liderato ng Senado, hindi na ikinagulat ang balak na pagharap ni dating PRRD sa imbestigasyon ng Senado sa war on drugs

Hindi na ikinagulat ni Senate President Chiz Escudero ang balak na pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa war on drugs sa susunod na Lunes, October 28.

Ipinaalala ni Escudero na hindi na bago ang pagdalo ng isang dating pangulo sa imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan.

Tinutukoy ng Senate president ang pagharap ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagsisiyasat ng Senado tungkol sa pagkasawi ng SAF 44 kung saan ipinaliwanag ng dating presidente ang mga naging aksyon at mga ginawa nang maganap ang insidente.


Sinabi ni Escudero na kahapon lamang din ay nagkausap sila ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kaugnay sa isasagawang pagdinig gayundin si Senator Bato dela Rosa na kinumpirma rin sa kanya na nais niyang imbitahan si dating Pangulong Duterte at nagpahayag din agad ito ng kahandaang dumalo.

Ipinunto pa ni Escudero na ito ang unang pagkakataon na haharap si Duterte sa pagdinig kaugnay sa isyu ng war on drugs sa ilalim ng kanyang dating administrasyon.

Facebook Comments