Liderato ng Senado, hindi pa nababahala sa pagtaas ng utang ng bansa

Hindi nabahala si Senate President Chiz Escudero sa paglobo ng utang ng bansa sa P16 trillion.

Paliwanag ni Escudero, pasok pa rin ito sa ating projected na “debt to GDP” ratio ngayong taon.

Aniya pa, ang pagtaas sa national debt ay dahil sa paghina ng piso kontra dolyar na negatibong nakaapekto sa ating utang na ang gamit ay foreign currency denomination.


Sinabi pa ni Escudero na marami ring bansa ang tumaas ang porsyento ng utang dahil dito.

Sinabi ng mambabatas na bahagi ng Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) na isinumite ng gobyerno na siyang tinalakay sa budget deliberation sa komite at sa plenaryo.

Gayunpaman, hindi bahagi ng budget bill ang utang at ang bayad sa utang ng bansa ay awtomatikong may alokasyon ay ikinukonsiderang isang “off-budget” item.

Facebook Comments