Liderato ng senado, hiniling na huwag balewalain ng mga Pilipino ang mga sakripisyo para sa bansa ni Dr. Jose Rizal

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Rizal Day na huwag balewalain ang mga sakripisyo para sa bansa ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Ngayong ika-127 paggunita sa kamatayan ni Rizal, nag-iwan ng mensahe ang liderato ng Senado at ito ay ang alalahanin ng publiko ang pagmamahal ni Rizal sa ating bayan gayundin ang pagbibigay nito ng kanyang sariling buhay para makamit ang ating kalayaan.

Hiling ni Zubiri sa mga Pilipino ay ipagpatuloy sa makabagong panahon ang paglaban para sa Pilipinas.


Aniya, hindi dapat hayaang mauwi sa wala ang mga sakripisyo ng ating bayani para lamang makalaya.

Hinimok pa ni Zubiri ang taumbayan na palaging magkaisa para sa pagmamahal at sa pagtatanggol para sa ating bayan at sa mga Pilipino.

Facebook Comments