Nirerespeto ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang desisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang taunang tigil-putukan sa New People’s Army (NPA) ngayong kapaskuhan.
Diin ni SP Sotto, ang militar ang nakakaalam kung ano ang mabuti at tamang hakbang kaugnay sa mga rebeldeng komunista.
Ito na ang magiging ikatlong pagkakataon na walang holiday ceasefire simula nang manungkulan si Pangulong Duterte.
Ikinatwiran ng AFP na walang sensiridad ang NPA sa unilateral ceasefire dahil inaatake pa rin nila ang mga tropa ng gobyerno.
Facebook Comments