Muling iginiit ni Senate President Tito Sotto III, ang pagtatayo ng desalination plant bilang solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig.
Pahayag ito ni Sotto sa harap ng ipinapatupad na rotational service interruptions ng Maynilad at Manila Water dahil sa mababang antas ng tubig sa Angat Dam.
Ipinaliwanag ni Sotto na bagama’t medyo mahal ang proyekto ay matitiyak naman nito ang sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan
Umaasa si Sotto na pakikinggan na ngayon ng pamahalaan ang kanyang matagal ng isinusulong na konstruksyon ng desalination plant.
Facebook Comments