Liderato ng Senado, iginiit na hindi failure ang war on drugs

Manila, Philippines – Tahasang kinontra ni Senate President Tito Sotto III ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na failure o palpak ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Diin ni Sotto, magiging bigo lamang ang paglaban sa ilegal na droga kapag ito ay inihinto.

Paliwanag pa ni Sotto ang drug war ay dapat magpatuloy laban sa mga drug dealers, drug dependents,  mga tiwaling opisyal, at mga kritiko na may problema sa pag-iisip.


Para kay Sotto, ang perspektibo ni VP Robredo ay taliwas sa kanyang naging karanasan sa paglaban sa ilegal na droga simula pa noong 1988.

Muli ay iginiit ni Sotto ang kahalagahan na iprayoridad ang prevention o pagpigil sa paggamit ng ilegal na droga.

Ganito aniya ang kanyang naging estratehiya noong vice mayor siya ng Quezon City kaya naibaba noon ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa lungsod sa 9-percent mula sa 54-percent.

Facebook Comments