Ikinalugod ng husto ng liderato ng Senado ang pagkakalagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa batas na magbubura sa utang ng agrarian reform beneficiaries.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, magandang balita ito para sa ating mga kababayang magsasaka dahil ibig sabihin nito ay mababawasan na ang kanilang pasanin sa pagbabayad ng amortization.
Sa tulong aniya ng batas ay mapapagaan ang kanilang pagbabayad at mapapabilis na mapasakanila ang kanilang lupang sinasaka.
Si Zubiri at ang iba pang mga lider ng Kongreso ay kasama sa ceremonial signing ng New Agrarian Emancipation Act.
Sa ilalim ng bagong pasang batas, ipinababasura na ang mahigit P57 billion na principal na utang ng mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries na nagsasaka ng mahigit 1.1 milyong ektaryang lupain.