Manila, Philippines – Hindi na ikinasurpresa ni Senate President Koko Pimentel ang naging desisyon ng Supreme Court pabor sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao.
Para kay Pimentel, ginagawa lang ng Supreme Court ang trabaho nito.
Diin pa ni Pimentel, wala siyang naging duda na ang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng martial law ay valid, at may sapat na basehan.
Bilang abogado naman ay inaasahan din ni Senator Richard Gordon ang nasabing pasyang ng Kataas Taasang Hukuman dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa bahagi ng Mindanao.
Partikular na tinukoy ni Gordon ang gulo sa Marawi City kung saan marami na ang nasasawi at ang pagtatangka ng grupong Maute na agawin ang gobyerno doon.
Facebook Comments