Liderato ng Senado, may payo sa mga ayaw magsapubliko ng SALN

Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Senate President Koko Pimentel ang paggamit ng palasyo sa right to privacy para sa Redacted Statement of Assets, Liabilitis and Networth o SALN ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Pimentel, kung ayaw magsapubliko ng SALN ay huwag na lang magtrabaho sa gobyerno.

Binigyang diin ni Pimentel, na dapat ay pantay-pantay lahat.


Buo rin ang suporta ni Pimentel sa isinulong ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigasyon upang mabusisi ang SALN law at polisiya hinggil dito.

Facebook Comments