Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pamahalaan ng China na itigil na ang lahat ng uri ng karahasan at iba pang provocative activities sa Ayungin Shoal at sa West Philippine Sea.
Kaugnay ito sa panibagong insidente ng pangha-harass at pambu-bully ng China Coast Guard matapos na bombahan ng tubig ang isa sa mga civilian vessels na ginamit ng Philippine Navy at banggain ang barko ng Philippine Coast Guard.
Demand ni Zubiri sa China, itigil na ang nakakagalit na aksyon ng China Navy at Coast Guard dahil ayaw naman ng Pilipinas ng gulo.
Patindi aniya ng patindi ang karahasan na ginagawa ng China sa ating teritoryo na lumilikha ng takot gayong tayo naman ay sinusubukan na pakalmahin ang sitwasyon.
Apela ng Senate president sa China na magkaroon ng code of conduct sa pagitan ng Pilipinas na kung hindi naman warship o swarming ang mga barkong dumadaan sa West Philippine Sea ay huwag namang i-harass ang mga dumadaang supply ships ng bansa.