Liderato ng senado, naglatag ng mga hakbang para sa ikatatagumpay ng war on drugs

Paara kay Senate President Tito Sotto III, matindi lang ang pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya muli nitong nabanggit na lalong lumala ang problema sa ilegal na droga ng bansa.

Naniniwala si Sotto na bigo kasi ang mga nagpapatupad ng war on drugs na tutukan ang apat na mahalagang aspeto para maresolba ang problema sa ilegal drugs.

Tinukoy ni Sotto ang enforcement, prosecution, prevention at rehabilitation.


Paliwanag ni Sotto, masyadong nakatutuk ang mga otoridad sa enforcement o paghuli sa mga sangkot sa ilegal na droga kaya napapabayaan ang ibang importanteng hakbang.

Giit ni Sotto, hangga’t may bumibili o gumagamit ng ilegal na droga ay magpapatuloy ang operasyon nito sa bansa.

Panawaagan naman ni Dating SENATE PRESIDENT Juan Ponce Enrile sa kapulisan at Militar, pagbutihin ang pagkalap ng intelihensiya ukol sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Pinuri ni Enrile ang pagsamsam ng Pnp at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bultu bultong ilegal na droga pero kailangan itong maimbestigahan upang matukoy ang nasa likod at mapanagot sa batas.

Facebook Comments