
Nanindigan si Senate President Tito Sotto III na hindi siya papayag na hindi i-livestream ang bicameral conference committee ng 2026 national budget.
Naunang sinabi ni Senator Erwin Tulfo na may mga kumokontra mula sa Kamara na i-livestream ang bicam ng pambansang pondo.
Nilinaw naman ni Sotto na wala namang nangyaring diskusyon ang Kamara sa Senado patungkol sa pagtutol nila sa livestreaming ng bicam kundi mga pasabi lang ang nakarating sa kanya.
Nakasama aniya nila si House Speaker Bojie Dy sa ginanap na LEDAC meeting at wala naman itong sinabi tungkol sa isyu ng livestreaming.
Sinabi naman ni Sen. Erwin na sa panig ng Senado ay walang duda na gusto nilang i-livestream ang bicam dahil wala namang itinatago.
Ito rin aniya ang magandang pagkakataon na makialam ang publiko at mawala ang pangamba sa ipapasang pambansang pondo ng Kongreso.
Sa December 12 hanggang 15 isasagawa ang bicam para sa budget na gaganapin sa Intramuros.









