Liderato ng Senado, nauunawaan kung bakit hindi magamit ng Pangulo na panlaban sa China ang arbitral ruling

Nauunawaan ni Senate President Tito Sotto III ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring ipanlaban sa China ang arbitral ruling noong 2016 na kumikilala na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea.

Kumbinsido si Sotto na marahil ay nabasa ng Pangulo ang arbitral ruling at wala syang nakita sa laman nito na nagpapalayas sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Bukod dito ay sang-ayon din si Sotto na ang problema sa West Phiippine Sea ay dinatnan na ni Pangulong Duterte sa pagsisimula ng kanyang termino.


Sa nakikita ni SP Sotto ay dalawang bagay lang ang maaring gawin ng Pilipinas, ito ay ang makipagnegosasyon o makipag-gyera sa China.

Ngayon ay kuntento si Sotto sa ginagawa ng Pilippine Coast Guard na pinapaalis ang mga barko na sakop ng ating lugar sa West Philippine Sea basta huwag lang gagamitan ng dahas o armas.

Samantala, inihayag naman ni SP Sotto na sa pamamagitan ng imbitasyon ng isang common friend ay magkakaroon sila ng informal meeting ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Zilian sa susunod na linggo.

Sabi ni Sotto, sa naturang pagkakataon ay maari nilang mapag-usapan ang tungkol sa West Philippine Sea at kung paano mapapabuti ang ugnayan ng Pilipinas at China.

Facebook Comments