Manila, Philippines – Pabor si Senate President Tito Sotto III sa pagsasapubliko ng listahan ng mga celebrities na sangkot o gumagamit umano ng ilegal na droga.
Pero giit ni SP Sotto, dapat beripikado ang nabanggit na listahan bago ito ilantad ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ipinunto ni SP Sotto na masyadong malawak ang saklaw ng mga celebrity.
Ayon kay Sotto, hindi lang mga personalidad sa showbiz ang kasama dito kundi pati mga basketball players at iba pang public figures.
Dismayado din si Sotto dahil walang aksyon na ginagawa ang mga boss ng mga celebrity na sangkot o gumagamit ng ilegal na droga.
Nagpahayag din ng suporta si Sotto sa mungkahi ng PDEA sa mga TV networks na regular na isailalim sa drug test ang kanilang mga talents.