Liderato ng Senado, sisikaping hindi idamay ang Mataas na Kapulungan sa mga anomalya ng ghost projects

Sisikapin ni Senate President Tito Sotto III na hindi madamay ang Senado sa katiwalian ng mga maanomalyang flood control projects.

Ito ang tugon ni Sotto sa tanong kung ano ang gagawin ng Senado sakaling tuluyang kasuhan sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y pagtanggap ng mga ito ng kickback sa mga ghost projects.

Ayon kay Sotto, kung siya ang tatanungin ay mag-iingat siya, susundin ang rule of law, at iiwasang mailagay sa alanganin ang institusyon.

Aniya, may due process sa batas at may sistema ng check and balance sa gobyerno.

Ito, aniya, ay para ibalanse at protektahan ang mga karapatan ng bawat indibidwal at mga institusyon.

Sinabi pa ni Sotto na mayroong constitutional, legal, at political issues sa imbestigasyong ito, at tiyak na marami ang lilitaw na mga opinyon mula sa mga abogado.

Facebook Comments