Liderato ng Senado, tiniyak na ibibigay ang pondo para sa CHR kahit hindi magbitiw si Chairman Gascon

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na ibibigay ng Senado ang P688 million pesos na panukalang pondo para sa Commission on Human Rights sa taong 2018.

Ayon kay Senator Koko, mayorya ng mga senador ay suportado ang nararapat na pondo sa CHR kahit hindi magresign si CHR Chairman Chito Gascon.

Tugon ito Pimentel sa kondisyon ng Kamara na dapat munang magbitiw sa Chairman Gascon para makuha ng CHR ang pondo nito hindi 1,000 piso lamang.


Nauna ring sinabi ni Senator Panfilo Ping Lacson na anghel man o anak ni Lucifer ang Chairman ng CHR, ay kailangan itong bigyan ng pondo.

Ipinaliwanag ni Lacson na utos ng konstitusyon na mayroong CHR at kailangan nito ng pondo para magampanan ang mga tungkulin na nakapaloob din sa ating Saligang Batas.

Facebook Comments