Liderato ng Senado, tiniyak na mapapanatili ang legislative momentum sa 20th Congress

Binigyang-katiyakan ni Senate President Chiz Escudero na patuloy na magagampanan ng Senado ang ibang tungkulin sa gitna ng pagdaraos ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa gitna na rin ito ng pagbatikos ni Senator Migz Zubiri sa naging liderato ni Escudero noong nakaraang Kongreso.

Ayon kay Escudero, sa pagbubukas ng sesyon sa July 28 ay nakahanda silang tutukan ang pagtalakay sa mga panukalang batas na prayoridad ng administrasyon at ang mga isinusulong ng mga mambabatas.

Plano namang isagawa ang impeachment trial tuwing umaga at pagsapit ng hapon naman idaraos ang mga plenary sessions at mga pagdinig.

Tiwala si Escudero na maipagpapatuloy ng Senado ngayong 20th Congress ang legislative momentum kung saan maraming naipasang batas at maganda ang performance ng 19th Congress.

Facebook Comments