Tuesday, March 10, 2026

Liderato ng Senado, tiniyak na prayoridad nila ang pagbibigay ng emergency powers kay PBBM

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na prayoridad ng Senado ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Bongbong Marcos para tugunan ang epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo dahil sa gulo sa Middle East.

Ayon kay Sotto, ngayong araw ay inaasahang matatanggap niya ang request o hiling mula sa Malakanyang para sa paggawad ng emergency powers kay PBBM.

Agad din niyang isusumite sa mga kaukulang komite sa Senado ang proposal at kakausapin niya ang mga Chairman ng Committee on Ways and Means, Finance at Energy.

Tulad sa ibang panukalang batas, dadaan muna aniya ang panukalang emergency powers sa mga pagdinig maliban na lamang kung idedeklara ito para madaliing ipasa.

Iginiit pa ni Sotto na kung pipilitin naman ay kakayanin na maipasa ang panukalang emergency powers para kay Pangulong Marcos Jr. kahit pa dalawang linggo na lamang ay magse-session break na ang Kongreso.

Facebook Comments