Liderato ng Senado, tiwalang igagalang ng Supreme Court ang desisyon ng Kongreso na huwag magsagawa ng joint session

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel na irerespesto ng Korte Suprema ang naging desisyon ng mataas at mababang kapulungan na huwag ng magsagawa ng joint session.

Yan ay para talakayin ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law at suspensyon ng writ o habeas corpus sa buong Mindanao.

Tugon ito ni Pimentel ng hingan ng reaksyon kaugnay sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya susundin ang Supreme Court sakaling iutos nito na magsagawa pa ang Senado at Kamara ng joint ng session.


Sabi ni Pimentel, walang dapat ipagalala dahil kapag inirespeto ng Kataas-Taasang Hukuman ang magkahiwalay na pasya ng Senado at Kamara kontra sa joint session ay hindi na mangyayari ang pagsuway ni Alvarez.

Magugunitang, sa high tribunal ang grupo ng mga abogado matapos na magkahiwalay na aprubahan ng Senado at Kamara ang deklarasyon ng Martial Law at ibasura naman ang hirit na joint session.
DZXL558

Facebook Comments