Liderato ng Senado, tiwalang may tsyansa na ngayon ang BBL na makapasa sa Kongreso

Manila, Philippines – Tiwala si Senate President Koko Pimentel na may tsyansa na ngayon na makalusot sa Kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Pimentel, ngayong July 18 ay nakatakdang isumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang proposed BBL.

Magugunitang nadiskaril ang pag-usad sa Kongreso ng BBL sa ilalim ng administrasyong Aquino dahil sa naganap na engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.


Sa nabanggit na Mamasapano encounter ay nasawi ang 44 na operatiba ng Philippine National Police Special Action Force.

Sa nabanggit na trahedya ay nakwestyon ang ceasefire mechanism sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front na siyang katuwang sa pagbuo ng BBL draft.

Pero diin ni Pimentel, uusad na ngayon ang BBL dahil wala na ang negatibong epekto dito na inihatid ng Mamasapano tragedy.

Facebook Comments