Liderato ng Senado, tutol na gawing state witness si Napoles

68

  Manila,Philippines – Kinontra ni Senate President Koko Pimentel ang pagkonsidera ni JusticeSecretary Vitaliano Aguirre na gawing state witness si pork barrel scam si JanetLim Napoles.
  Ayon kay Pimentel,sang ayon sya sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabong gawing statewitness si Napoles dahil hindi ito kwalipikado.
  Giit ni Pimentel,hindi maaring testigo at makaligtas sa kaparusahan ang itinuturing na mostguilty, arkitekto, engineer at conductor sa krimen.
  Binigyangdiin pa ni Pimentel na magiging injustice o kawalang katarungan kung gagawintestigo at paliligtasin sa parusa si Napoles.
 
   

Facebook Comments