Umaasa si Senate President Tito Sotto III na makabubuti sa ating bansa at sa mamamayan ang mga pagluluwag na ipinapatupad na ng pamahalaan kahit nananatili pa ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ito ni Sotto sa harap ng pagbaba sa Alert Level 2 sa National Capital Region at ibang lugar gayundin ang pagluluwag sa mga dayuhang biyahero na papasok sa Pilipinas.
Bukod dito ay inalis na rin ang “No vax, No ride” policy.
Ayon kay Sotto, ginagawa na rin ng ibang bansa ang mga pagluluwag ng health protocols.
Hangad na lang ni Sotto na maganda ang magiging resulta nito at makabuti talaga sa ating bansa at sa publiko.
Facebook Comments