Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel sa lahat na hindi ang gobyerno, kung hindi ang mga terorista na naghahasik ng karahasan at pumapatay ang tunay na kaaway.
Kaya naman ayon kay Pimentel, hindi dapat katakutan ang umiiral na martial law ngayon sa buong Mindanao.
Malinaw anya sa guidelines na inilabas ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na sa kabila ng batas militar ay umiiral pa rin ang konstitusyon at ang Philippine judicial and legislative assemblies kaya nananatiling protektado ang karapatang pantao.
Diin pa ni Pimentel, dapat unawain lahat na kinakailangan ang mabibigat na hakbang at desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matugunan ang karahasang inihahasik ng teroristang grupo sa bahagi ng Mindanao.
Dagdag pa ni Pimentel, makabubuti para sa lahat na ma-neutralized ang nabanggit na banta sa buhay at kaligatasan ng mga taga Mindanao.
Ayan kay Pimentel, sa halip na hanapan ng puna ay dapat respetuhin at hangaan ang mga sundalo at pulis na nasa panganib ngayon ang buhay sa Mindanao para proteksyunan ang mamamayan.
DZXL558, Grace Mariano