Liderato ng Senado, umapelang huwag husgahan na korap si Sueno

Manila, Philippines – Umapela si Senate President Koko Pimentel na huwag agad husgahan na korap o tiwali ang sinibak na kalihim na ng Department of Interior and Local Government o DILG na si Ismael Mike Sueno.

Ayon kay Pimentel, malinaw naman na ang basehan ng pagsipa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sueno ay ang naglahong tiwala at kumpyansa nito.

Ang nabanggit na rason, ayon kay Pimentel ay hindi dapat maging basehan ng konklusyon na sangkot sa korapsyon si Sueno.


Mas makabubuti ayon kay Pimentel na antayin ang opisyal na pahayag, kung meron man, ukol sa pagkakasibak kay Sueno.

Dagdag pa ni Pimentel, hindi rin obligasyon ng Pangulo na ipaliwanag ang kanyang naging desisyon laban sa dating miyembro ng kanyang Gabinete.
Nation

Facebook Comments