Liderato ng Senado, walang nakikitang mali sa libreng COVID-19 vaccine sa mga sundalo

Walang nakikitang mali o masama para kay Senate President Tito Sotto III, kung nabigyan na ng libreng bakuna laban sa COVID-19 ang mga sundalo.

Sinabi ito ni SP Sotto kahit wala pang inaaprubahan na COVID-19 vaccine ang Food and Drug Administration (FDA).

Paliwanag ni Sotto, wala namang batas na nagbabawal sa pag-inom ng anumang gamot o pagbabakuna ng hindi aprubado ng FDA at wala nga ding batas na nagbabawal sa pagpapakamatay.


Punto pa ni Sotto, na wala ding ginastos na pera ng bayan ang gobyerno sa nabanggit na COVID 19 vaccine na itinurok sa mga sundalo.

Facebook Comments