Liderato ng Task Force Bangon Marawi, hiniling na palitan na

Inihirit ni Deputy Speaker at Basilan Representative Mujiv Hataman na palitan na ang mga bumubuo sa Task Force Bangon Marawi.

Ayon kay Hataman, magtatatlong taon na sa May 23 ang Marawi at hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa implementasyon ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.

Giit ng kongresista, dapat na palitan ang liderato ng TFBM dahil hanggang ngayon ay marami pa ring residente ang nananatiling displaced at hindi makabalik sa kanilang mga lugar.


Aniya, may COVID-19 man o wala ay hindi dapat maantala ang rehabilitasyon ng lungsod.

Nanawagan ang mambabatas na madaliin na ang rehabilitasyon para makauwi na ang nasa 17,000 residente bago matapos ang taon.

Samantala tiniyak naman ng mambabatas na kanila nang minamadali ang pagpasa sa Marawi Compensation Bill na isasalang na sa deliberasyon ng House Committee on Disaster Management habang naihain na rin ang counterpart bill nito sa Senado.

Facebook Comments