Manila, Philippines – Naninindigan si Kilusang Pagbabago Secretary General Aly Dizon na may hawak silang matibay na ebidensiya na magdidiin kay Labor Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa usapin ng katiwalian.
Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Dizon na naghain na sila ng reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban kay Bello sa paggamit ng kapangyarihan nito sa pagwawalang bahala sa reklamo kanilang idinulog.
Itinanggi rin ni Dizon na may kinalaman ito sa isyu upang maharang ang pagka-Ombudsman ni Bello na una nang naghain ng kanyang aplikasyon para sa iiwang pwesto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Matatandaan na dumulog sila sa tanggapan ni Bello upang ihingi ng tulong ang walong buwang sanggol na naiwan sa bansang Alkobar Saudi Arabia pero sa halip na tulungan ng kalihim ay sila pa ang napasama hanggang sa nauwi ng hindi pagkakaunawaan.