Life-sized robot na gawa sa basura, trending worldwide

nChina – Pinag-uusapan ngayon worldwide ang mga gawang transformer robot ng mag-ama sa China.

Sa sobrang ganda, hindi mo aakalain na gawa sa basura ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng mga robot.

At ang mas nakakabilib rito, hindi basta laruan kundi mga life-sized transformer ang ipinagmamalaki nilang obra!


Kwento nina Yu Zhilin at Yu Lingyu, bonding na nilang mag-ama ang pagre-recycle ng mga basura kung saan ang mga mapapakinabangan pa ay ginagamit nila sa paggawa ng kanilang mga giant replicas ng mga transformer character.

Facebook Comments