Manila, Philippines – Maaring patawan ng Commission on Elections (Comelec) ng paglabag sa election rules si dating PNP at BuCor Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Ito ay sakaling ipalabas kasabay ng campaign period ang pelikula kung saan tampok ang kanyang buhay.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – base sa Republic Act no. 9006 o ‘Fair Elections Act’ walang pelikula, cinematography, o dokumentaryo tungkol sa biography ng isang kandidato ang maaring ipalabas sa mga sinehan, telebisyon o sa publiko sa loob ng campaign period.
Aniya, ang kandidatong lalabag ay papatawan ng multang isa hanggang anim na taong pagkakakulong, diskwalipikasyon na makapagtrabaho sa public office at aalisan ng karapatang bumoto.
Ang campaign period para sa mga tumatakbo sa national position ay magsisimula ng February 12 hanggang May 11, 2019 habang March 29 hanggang May 11, 2019 para sa local positions.
Ang *“Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story*” ay inaasahang ilalabas sa mga sinehan ngayong taon.