Life support ni Eddie Garcia hindi aalisin

1846

Patuloy pa din lumalaban si Eddie Garcia dahil sa tinamong severe cervical fracture habang nagshushooting para sa isang upcoming soap opera ng GMA 7.

Sa ngayon, nakakabit pa rin ang life support sa beteranong aktor at wala pang pinipirmahang dokumento ang pamilya para tanggalin ito. Naging stable na rin ang kanyang blood pressure matapos makaranas ng hypotension.


Ayon kay Dr. Tony Rebosa, isa sa attending physicians ni Manoy, maituturing milagro na buhay pa rin ito matapos ang insidente. Malala ang neck fracture ng movie icon at maari maging paralisado.

Dagdag pa niya, may posibilidad na hindi nabuhat ng maayos si Garcia kaya lumala ang sitwasyon nito.

Sa inilabas na latest medical bulletin report ng Makati Medical Center kaninang ala-una ng hapon, comatose at kritikal pa rin ang kondisyon ni Manoy.

Panalangin pa rin ang hinihiling ng pamilya ni Garcia para gumaling na ito agad.

Facebook Comments

From Advertisers