Mandatoryo ang pagkakaroon ng certified trained lifeguards at kumpletong safety equipments sa mga beach resorts sa La Union.
Batay ito sa Provincial Ordinance no. 108-2017 na kinakailangan maging requirement ang kumpletong safety equipment, first aid kit, signages,buoys at certified lifeguard bago mabigyan ng Business Permit.
Maaaring magmulta o makulong ng aabot sa anim na buwan ang beach resorts owners na lalabag sa naturang ordinansa.
Kasunod ng pagpapaalala sa ordinansa ang pinaigting na pagbabantay sa mga pook pasyalan sa La Union ngayong kasagsagan ng Holy Week. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments