Manila, Philippines – Plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na isailalim sa lifestyle check ang mga barangay officials dahil sa posibilidad na paggamit ng mga ito ang kaban ng bayan para mag payaman.
Ayon kay DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diño, makikipagtulungan sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagsasagawa ng lifestyle check.
Aniya, may hawak na ang DILG na listahan ng mga barangay na bigong magsumite ng kanilang inventory ng money disbursements na isa sa mga requirements ng ahensiya at sasampahan ng kaso ang mga ito.
Kasabay nito, umapela si Diño sa commission on audit na muling higpitan ang kanilang pamantayan bago magrelease ng pondo para sa barangay officials.
Facebook Comments