Pabor ang Malacañang sa naging desisyon ni Ombudsman Samuel Martires na ihinto ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga government official.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ito epektibo lalo na sa mga opisyal na magaling magtago ng kanilang nakaw na yaman.
Aniya, tama lamang ang naging pasya ni Martires.
“As a lawyer, mukhang tama po si Ombudsman kasi napakadali pong magtago ng ill-gotten wealth,” sabi ni Roque.
Dagdag pa ni Roque, nagbabago ang panahon at nagbabago rin ang diskarte ng mga tiwaling opisyal.
“Ngayon they could live modest lives, they could use dummies for their bank deposits and can pretend to have modest lives even if they have trillions and billions of ill-gotten wealth,” dagdag ni Roque.
Ang mahalaga aniya para sa Ombudsman ay ipatupad ang Anti-Money Laundering Laws.
Sa ilalim ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ipinagbabawal ang mga opisyal na tumanggap ng regalo, sumali sa mga transaksyon na may conflict of interest, at nire-require sila na magkaroon lamang ng simpleng pamumuhay.