Lifestyle check sa mga tauhan ng PDEG, ipinatupad

Sumalang sa lifestyle check ang lahat ng tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Ayon kay PDEG Director Police Brig. Gen. Faro Antonio Olaguera sa pag-upo pa lamang niya bilang acting director ay nagsumite agad sIya ng request sa Directorate for Intelligence na magsagawa ng profiling sa lahat ng PDEG personnel, kabilang na rin siya.

Ito’y kasunod ng direktiba ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na salain mabuti at i-background check ang lahat ng mga pulis na ma-aassign sa mga anti-drug operations.


Ani Olaguera kada anim na buwan isasagawa ang lifestyle check sa mga tauhan ng PDEG.

Naniniwala rin ang opisyal na hindi paglabag sa karapatang pantao ng kanilang mga tauhan ang regular na pag-monitor sa kanilang estado sa buhay dahil ang mga public officers ay may obligasyon na panatilihin ang public trust.

Dagdag pa nito, handa rin siyang pumirma ng bank waiver kung kinakailangan para mabusisi ang kanyang mga bank accounts.

Facebook Comments