LIFESTYLE CHECK | Secretary Bong Go, handang ipabusisi ang kanyang ari-arian bilang patunay na wala siyang itinatagong yaman

109

Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na handa siyang sumailalim sa lifestyle check anomang oras sakaling hilingin ito sa kanya ng senado.

Ito ang sinabi ni Go sa harap narin ng mga paratang ni Senador Antonio Trillanes IV na nakinabang ang negosyo ng pamilya ni Go sa mga kontrata sa Gobyerno dahil sa posisyon ni Go.

Sa interview kay Go sa Malacañang ay sinabi nito na hindi pa man siya ipinapanganak ay may mga negosyo na ang kanyang pamilya at nabibilang siya sa mga pamilyang hindi naman maituturing na mahirap pero hindi din naman mayaman.

Pero tiniyak ni Go na anomang negosyo ang mayroon ang kanyang pamilya noon man at ngayon ay hindi niya pinakikialaman ang mga ito.

Binigyang diin ni Go na handa siya na busisiin ang kanyang ari-arian dahil wala namang siyang itinatago.

Sinabi din naman ni Go na excited na siya na makaharap si Trillanes sa Senado kaya sinabi nito na sana ay bukas na ang imbestigasyon dahil baka magtago na ang Senador.

Gusto din aniya niyang maging malinaw na ang issue at masagot na ang mga akusasyon laban sa kanya dahil buong buhay niya ay delikadeza ang umiral sa kanyang pagtatrabaho.

Facebook Comments