Lifetime ban sa mga contractor na sangkot sa anomalya ng flood control projects, ipatutupad ni DPWH Sec. Dizon

Ipatutupad ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang lifetime blacklisting sa lahat ng kontraktor na sangkot sa ghost projects at substandard projects.

Ayon kay Dizon, wala nang imbestigasyon at proseso dito at awtomatikong pagbabawalan habambuhay ang mga kontraktor na napatunayang sangkot sa katiwalian.

Bukod sa habambuhay na ban, tiniyak din ni Dizon na isasampa ang mga kaukulang kaso laban sa mga sangkot, mula sa mga opisyal ng DPWH hanggang sa mga pribadong kontraktor.

Ang lahat ng ebidensiya ay agad ding ipapasa sa independent commission na itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon at magsampa ng pormal na reklamo laban sa mga responsable.

Facebook Comments