Lifetime P500 ayuda para sa mga mahihirap na Pinoy, isusulong ni Manong Chavit Singson

Tama na ang mga ayuda na para lamang sa mga botante at ginagamit pa kadalasan ng mga politiko.

Itinutulak ni dating Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na matuldukan na ito kasabay ng hindi pagpapabaya sa mga Pilipino lalo na ang mga walang trabaho.

Sa ambush interview sa Manila Hotel, sinabi ni Singson nais niyang mabigyan ang lahat ng mga mahihirap na kababayan gaya ng mga walang trabaho at mga kumikita ng minimum wage.


Kaya naman sakali aniyang palarin na makaupo sa mataas na posisyon, ipapanukala niya ang pagkakaroon ng ayuda sa lahat ng mga Pilipinong mahihirap na tutuntong ng 18 taon pataas.

Ayon pa kay Chavit, sakaling matupad ay habangbuhay nang makakatanggap ng ₱500 kada buwan ang mga mapapabilang sa listahan.

Tiniyak naman ni Singson na mayroong mapagkukunan ng pondo ang pamahalaan para dito.

Facebook Comments