LIGA NG MGA BARANGAY, NAGTIPON PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA

Nagsagawa ang Liga ng mga Barangay sa San Carlos, City ng isang makabuluhang pagpupulong tungkol sa solid waste management nitong Agosto 4, 2025.

Dumalo dito ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan at CENR upang pag-usapan ang mga isyu at solusyon sa pangangasiwa ng basura.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga barangay para sa mas malinis at maayos na kapaligiran.

Pagpapaigting pa ito ng pamahalaan para sa kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa kalikasan ng kanilang mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments