Dumulog sa Korte Suprema ang Makabayan bloc ng Kamara para kuwestiyonin ang ligalidad ng Chico River loan agreement ng pamahalaan sa China.
Ayon sa grupo, ang pag-award ng kontrata ng nasabing proyekto sa Chinese contractors ay taliwas sa ‘preference to Filipinos’ policy ng Konstitusyon at sa Procurement Reform Act kung saan kailangan itong dumaan ito sa public bidding.
Hiniling din ng Makabayan bloc sa Supreme Court na magpalabas ng temporary restraining order para mapigilan ang pagpapatupad ng loan agreement.
Nais din mg grupo na atasan ng Kataas-Taasang Hukuman ang government agencies na mag-produce ng certified true copies ng iba pang loan agreements, at ideklarang labag sa batas ang Chico River loan agreement.
Tumatayong respondents sa petition ng grupo sina Pangulong Duterte, Exec. Sec. Salvador Medialdea Justice Sec. Menardo Guevarra at iba pang miyembro ng gabinete.