LIGAW NA BALA | 10-anyos, natamaan!

Manila, Philippines – Nakapagtala na ng unang biktima ng ligaw na bala sa Metro Manila.

Ito ay matapos isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 10-taong gulang na batang lalaki na may tama ng bala.

Sa ulat, naglalaro lamang ito sa kalsada nang tamaan ng bala sa braso na tumagos malapit sa atay.


Batay sa monitoring ng DZXL-RMN Manila sa buong magdamag, 18 kataong nabiktima ng paputok ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Kabilang na rito ang isang lalaki din ang isinugod matapos masabugan ng ‘Goodbye Philippines’, 13-anyos na bata na naputukan sa kaliwang mata ng pinulot na Piccolo.

Isa namang pitong taong gulang na batang lalaki ang posibleng maputulan ng kamay matapos maputukan nang pulutin niya ang hindi pa matukoy na paputok.

Walo naman sa East Avenue Medical Center, isa sa Pasay City General Hospital matapos maputukan ng whistle bomb.

12 naman ang naitala sa lungsod ng malabon, anim sa Caloocan habang isang 16-anyos na lalaki sa Taguig at isa sa lungsod ng Maynila.

Kaugnay nito, umabot naman sa siyam ang naaresto ng PNP dahil sa indiscriminate firing.

Facebook Comments