Light Rail Transit, naglabas ng dagdag na ₱4-B pondo para sa Cavite extension

Gumastos ng karagdagang P4 bilyon ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) para sa Cavite extension ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) dahil sa pagkaantala ng konstruksyon.

Ayon sa presidente at CEO ng LRMC na si Juan Alfonso, ang kompanya ay naglabas ng dagdag na P4 bilyon para maihatid ang proyekto ng LRT-1 Cavite extension na orihinal na tinatayang nagkakahalaga ng P64.92 bilyon.

Aniya, nabigo ang LRMC na maisakatuparan ang target nitong pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension sa publiko sa pagtatapos ng 2021 dahil sa pagkaantala ng konstruksyon dulot ng pandemic lockdown.


Una rito, ang LRMC ay naglagay na ng 56% ng Redemptorist Station, 61% ng Manila International Airport Station at 51% ng Asia World Station habang natapos na rin ng kompanya ang 55% ng Ninoy Aquino Station at 60% ng Dr. Santos Station.

Sa ngayon, target ng LRMC ang pinalawig na linya sa ikaapat na quarter ng 2024, tututukan din nila ang pagkumpleto at pag-install ng kagamitan sa nasabing extension.

Facebook Comments