
Nagkasa ng lighting rally ang iba’t ibang grupo ngayong araw sa harapan ng Chinese Embassy upang iprotesta ang umano’y patuloy na pambabastos ng China sa opisyal ng gobyerno pati na rin sa karapatan ng mga mangingisdang Pilipino at sundalo sa West Philippine Sea (WPS).
Kabilang sa mga lumahok sa kilos-protesta ay ang Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia (LIPI), at PADER ng Demokrasya.
Ayon sa lider ng grupo na si Giselle Albano, mariin nilang kinokondena ang umano’y agresyon sa WPS na karagatang sakop ng Pilipinas at ang ginagawa ng China sa mga mahihirap na Pilipino lalo na ang mga mangingisda.
Sigaw ng mga raliyisya, ideklarang persona non grata ang mga Chinese diplomat, at panagutin ang gobyerno ng China.
Sinunog ng grupo ang caricatures ni Chinese President Xi Jinping, humiga sa kalsada habang may bayong sa ulo na may nakasaad na ‘mga politiko’t kolumnistang pro-China,’ at iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
Ilan sa mga raliyista ang nakasuot ng barong at saya, at nakamaskara ng mga politiko na anila’y tumitindig para sa teritoryo ng ‘Pilipinas.










