Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamahalaan ng Denmark matapos masagip ang 22 Filipino drivers.
Ang 22 Filipino truck drivers ay una nang napaulat na nasa kaawa-awang kondisyon dahil na rin sa hindi maayos na working condition.
Sa ulat kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ng ating Philippine Embassy sa Norway na-rescue ang mga ito sa isinagawang raid ng Danish authorities kahapon ng umaga.
Inatasan na rin ni Labor Secretary Silvestre Bello si Geneva-Based Labor Attaché Delmer Cruz na agad magtungo sa Copenhagen upang tignan ng personal ang kundisyon ng ating mga kababayan.
Nagtungo na rin sa Denmark si Ambassador Batoon-Garcia upang mabatid ang punot dulo ng reklamo ng mga Pinoy truck drivers na hindi umano tinatrato ng maayos ng kanilang employers.
Kasunod nito tiniyak ng DFA na aaksyunan ang nasabing reklamo at ibibigay ang nararapat na hustisya sa ating mga kababayan.