‘LIGTAS AT EPEKTIBO’ | Dating Pangulong Aquino, dinepensahan ang Dengvaxia

Manila, Philippines – Binigyan diin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na ligtas at epektibo ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa pagharap bilang resource person sa imbestigasyon sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Aquino na dumaan ang Dengvaxia sa lahat ng proseso para malaman na ligtas at epektibo ito.

Ayon sa dating Pangulo, klaro sa kanya noon na trabaho ng gobyerno na pakalmahin at suportahan ang mga Pilipino laban sa dengue.


Nagpaliwanag din ang dating Pangulo kung bakit niya inaprubahan ang Dengvaxia.

Sinabi din ni P-Noy na sa pagpunta niya sa Paris para sa COP 21 noong 2015, nakausap niya ang maraming mamumuhunan at sinabing ready na ang Sanofi para sa bakuna.

Facebook Comments