Pinaghahandaan na ang ligtas at organisadong pagdaraos ng Undas ngayong taon sa Bayambang.
Tinalakay sa isinagawang pagpupulong ang mga hakbang upang magkaroon ng maayos na koordinasyon ang mga ahensya at makapagbigay ng klarong abiso sa publiko kasunod ng inaasahang pagdagsa sa mga sementeryo.
Kabilang sa mga pangunahing usapin ang paghihigpit sa seguridad sa mga sementeryo, pagbabawal ng mga kontrabando, pagpapanatili ng kaayusan sa paligid, kaayusan ng trapiko ,pagtalaga ng mga parking areas at agarang pagresponde sa anumang emergency.
Panawagan naman ng lokal na pamahalaan ang kooperasyon ng publiko upang maisakatapuran ang matiwasay na Undas ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







