Extended o pinalawig pa ng Department of Health Center for Health Development Region 1 ang kampanya nitong Ligtas Chikiting Program para sa patuloy na pamimigay ng proteksyon kontra sa Measles, Rubella and Polio.
Base sa abisong inilibas ng DOH-CHD1 kahapon, June 1, 2023, extended ang pag-iimplementa ng pagbibigay proteksyon sa mga batang edad 0-59 na buwan o apat na taong gulang pababa sa iba’t ibang lugar sa rehiyon uno hanggang June 15, 2023.
Layunin ng pagpapalawig dito upang mabibigyan pa ng sapat na oras upang makumpleto ang intensive mop-up na mga aktibidad at Rapid Convenience Monitoring (RCM) at upang tiyaking walang malalampasang bata ang hindi mabakunahan.
At ito rin ay sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na huwag titigil sa kampanya nang hindi nakakamit ang mataas na turn-out ng vaccination.
Dito, susuungin pa ng mga health authorities ang iba’t ibang lugar sa rehiyon upang mailapit ang naturang bakuna sa mga sakit.
Samantala, sa limang linggong pagbabakuna sa mga bata ay nasa 85.71% na ang nabakunahan para sa Measles at Rubella habang nasa 81.39% naman para sa Oral Polio Virus. |ifmnews
Facebook Comments