Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga naulilang pamilya ng trahedya sa bansang Laos.
Ito ay makaraang bumigay at mag-collapse ang isang tinatayong dam noong Lunes bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Base sa ulat, hindi bababa sa 20 ang nasawi habang nasa 100 naman ang nawawala at mahigit sa 6,000 indibidwal ang inilikas.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kaisa ang Pilipinas sa panalangin upang makabangong muli ang mga taga-Laos na naapektuhan ng malawakang pagbaha.
Sinabi naman ni Ambassador to Vientiane Belinda Ante na tuloy tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Filipino community doon.
10 mula sa 28 Pinoy na rehistrado sa Embahada ang nasa apektadong lugar, pero nasa ligtas ng kundisyon at hindi naman apektado ng nasabing pagbaha.