Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa dalawang magkahiwalay na lindol na tumama sa Iran at Peru.
Ayon kay Philippine Ambassador to Tehran Wilfredo Santos, nakipag-ugnayan na sila sa dalawang Filipino-Iranian families na nakabase sa Kermanshah province.
Aniya, lahat ng miyembro ng dalawang pamilya ay nasa ligtas na kalagayan.
Idineklara naman ng Embahada ng Pilipinas sa Brazil at Chile na walang Pilipinong apektado ng 7.1 magnitude na lindol sa Peru.
Facebook Comments